matagal ko ng gustong sumayaw. eto nalang yata ang hindi ko pa nagagawa sa harap ng maraming tao. wag na natin isama yung folk dance days ko nung grade school. salamat sa youtube, nagkaroon ako ng pagkakataon na aralin ulit ang steps sa waterfalls ng TLC.. at salamat sa mga links na to:
nabuhay ulit ang groove ko sa how gee: http://youtube.com/watch?v=_LGvnPzgUKc&feature=related
at lahat nung mga sikat na sayaw nung early 90’s: http://youtube.com/watch?v=hZZaLZYlhAo&feature=related
habang pinaanood ko yang mga yan binaha ako ng nostalgia. taena. tumatanda na nga ko. 1992 performance ni claudine barretto ang isa jan, 16 years ago.oo. SIXTEEN years ago na yun. bwakalabits. parang kahapon lang. naalala ko pa ang pagkakandarapa ko patakbo uwi ng dorm para mapanood lang si claudine sa 430 na ang tv na!
waw heavy. nostalgia.
naisip ko,kelangan ko na talaga sumayaw kasi nagfefade na yung kabataan ko, nauubusan na ko ng excuse para magmukhang tanga at sumayaw.
hahay. sabi nga nila. dance like no one’s watching. practicemuna ko ng waterfalls. tapos ako naman ang maglalagay sa youtube
»read more from "sayaw na"