napadaan ako sa blog ni gang. paano nakalabas to?
http://www.picturetrail.com/gallery.fcgi?p=999&gid=191615610
tsk tsk. sigurado mabigat na issue to. ano kaya nangyari dito? paano nakalabas tong photos na to? meron hindi pumasa sa screening nila? paano na yung mga secrecy vows nila? paano nila pananagutan to?
matagal ko ng alam tong mga hazing na to, sa UP pa. eh nung time namin 3 namatay sa frat-rumble related incidents. pero iba parin pala pag nakikita mo na yung images. parang tulad nung una akong nakakita ng kumain ng tae sa internet.
tama yung sabi ni gang. marami din naman akong kilalang fratmen na matitinong tao. alam ko voluntary ang pagsali sa mga frat dahil sa mga benefits ng camaraderie. at malamang alam narin ng mga sumasali ang papasukan nila. pero yung pumayag kang gawin ang mga to sa yo, medyo mahirap isipin. dahil siguro di ako fratman.
waw. wala na ako masabi.

