medyo masama ang gising ko kaninang umaga ansakit ng ulo ko parang biniyak.. teka pwede ba ko mag joke? kwento ni gang badoy to kung di kayo natawa eh mauubusan kayo ng nfa rice joke joke. meron daw nagbebenta ng kawayan na sinisigaw beergen beergen na kawayan! tinanong ni gang kung bakit beergen ang kawayan na yun. sinagot sya, kasi hindi pa biyak. onga naman. yey! palakpak naman jan.
anyway mabalik tayo sa nabibiyak kong ulo. ayun, maling gising, dumeretso ng banyo para jumingle.pagpasok ko ng cr para akong sinapak sa sagwa ng amoy ng cr namin. hindi naman sa di kami naglilinis ng roomate ko, talagang sinumpa lang yung cr namin kasi galing sa drainage yung amoy. paggising ko ng ala una ng hapon ginawa kong mission ang pabanguhin ang lahat ng bagay na gagamitin ko.
bumili ako ng liquid handsoap na green apple scent nung isang araw. nagustuhan ko yung amoy kaya tatlong araw na kong laging naghuhugas ng kamay. tapos naisip ko siguro mabango din yun sa kotse kaya bumiliako ng car freshener na green apple scent. nakangiti pa ko ng binuksan ko ang lata sa loob ng kotse bwakalabits amoy kandilang pinahid sa kili-kili ng tindera sa quiapo pakshet tinapon ko agad ang walanghiya at pinagmumura ang gumawa nun.
habang nasa grocery bumili rin ako ng glade na toilet perfume. parang clay na nilalagay sa gilid ng toilet, naka balot lang ng net. ambango. nakangiti nga ko jumebs kanina. ang problema ko lang pagka flush nakita yung mga tidbits na nagsisigaw para palayain sila sa netbag na kulungan. eh pink pa naman ang freshener na gel. kita kagad ang mga nahuling suspek na tidbits. buti nalang bumili pa ko ng toilet duck blue coloring. eto yung nagpapa blue sa tubig ng toilet. may dye. yung tidbits naging blue! yey! tsaka anti bacterial din daw sya. guaranteed, pag nagka gf ako na walang kwenta mag-iigib ako sa toilet at imicrowave ko lang para gawing curacao mix ipainom sa kanya hehe
pero dahil medyo mahal yung car freshener pinulot ko parin kahit tinapon ko na (kas sa loob lang naman ng kotse ko tinapon), at pinagtyagaan. hanggang nakakita ako ng shell at bumili ulit ng isa pa. eto masaya. new car scent. california new car scent. bwahahaha. hindi man bago ang kotse ko, at least maloloko ko sarili ko na bago kasi amoy bago sya! yey! ang galing ng nakaisip ng scent na to. yung amoy kandila, nilagay ko sa trunk. ngayon naglalaban na sila ng amoy tae kong spare tire. payt!
hahay. panalo. ang sarap sa pakiramdam. mabangong kotse. mabangong toilet. malaki din pala epekto ng mabango ang kapaligiran ko. nakakaisip ka ng raket, ng mga productive na bagay, at mawawala ang simangot sa mukha. stress reliever na rin. kaya siguro ang daming aromatherapy shit at mga perfumes kasi talagang nakakaganda to ng takbo ng buhay.
dapat lahat tayo mag sumikap na maging mabango, o kung hindi man, at least walang amoy. para mas masaya ang buhay. kung bawat pilipino mabango, mas masaya ang pilipinas.
sigurado, wala ng ulong mabibiyak bukas. impak, excited na ko jumebs.
»read more from "amoy ko(tse!)"