at dahil car pipol na ko ulit napapadaan na naman ako sa edsa at nakita ko yung bagong billboard ng bench sa guadalupe. sabi ng isa kong kaibigan, ang sarap ng nasa billboard o. sabi ng kasama nya, masarap yung bagong construction ng building? sabi nya hindi, ang sarap ni dingdong dantes. waw. galing silang mountain climbing nun. pareho silang lalaki. (hint: taga asti sila, yung isa bagong kasal hehehe)
napaisip ako, hindi ko yata kayang bumukaka sa gitna ng edsa. ang dami kong kelangan ahitin. tsaka hindi ko kaya yung pinagpapantsayahan ako ng buong bayan. hindi rin ako bibili ng brip na parang payong ang tela. ayokong magmayabang. felix bakat yun sigurado.
hindi naman sa wala akong maibubuga. eh hello may gym ako sa bahay. hindi ko lang talaga kaya. payo nga ng mga kasamahan ko sa industriya (oo nag model ako dati ng sabaw), nasa sayo naman yun. hanggat hindi labag sa pinaniniwalaan mo, gawin mo. ganun talaga ang pag momodel. actually, iniiwasan ko lang may mag hands up sa mrt, sisigaw ng ay! nakita ko na lahat yan in person. hehe.
pero inisip ko rin, dapat ko rin yatang gawin. when you have it flaunt it nga daw diba. hindi narin tayo bumabata. in 5 years kukulubot na ang dating makikinis. at yung kulubot na, waah ayoko na isipin.
kaya naisip ko, papicture na ko ngayon na parang model ng brip ng bench. PERO, ilalabas ko lang ten years after. para may proof na minsan naging hunk din ako.

