pag lunes talaga payabangan ang laging bubulagta sa almusal sa pantry. yung isa galing 1 month vacation sa japan. yung isa galing beijing. at ako, galing laguna. yey. sa splash island.
pero tingin ko bida parin ako. kasi nung saturday night, di ko inasahang mapupunta ako sa isang gathering ng mga myembro ng gucci gang. akala ko kasi fiesta. kaya nagyaya ako ng mga kaibigan para may karamay naman akong tumira ng lechon at beer. kaya muntik na kong mag tsinelas. yun pala tiesto. taena. kala ko typo error lang sa text message sa kin. tiesto joeyboy. tiesto!
anong tiesto? hehehe sigurado hands up ang mga jologs jan. hehehe. dont worry, di ko rin alam dati. salamat sa google. sya lang naman ang number 1 dj sa buong mundo. ang galing no? may contest pala yun. pang-ilan kaya si triggerman? hehehe joke ulit. mag google nalang kayo.
panalo ang tiesto experience ko na yun. pikit mata, sabay sa beat, sabay sa ilaw. sabay sa sayaw ng buhay.
teka, di nyo rin alam ang gucci gang? hahay.

