nagutom kami ng kaibigan ko at napaisip kami ng masarap kainin. siguro dala ng kumakalam na sikmura biglang bumula ang utak nya at lumayo ang paningin. sabi nya: buti nalang, hindi ako naging manok.
kasi ang manok daw, walang ibang silbi ang buhay kundi kainin. walang manok na namatay of old age. napaisip rin tuloy ako. onga no. nabuhay lang talaga sila para kainin. yung itlog kung tutuusin aborted chicken yun. kaya siguro yung manok kung mapapansin sobrang praning. heightened yung agility. laging alerto. pag ginulat takbo agad. siguro dahil alam nilang kakainin na sila. napaka walanghiya ng nangyayari sa lahi nila.
di katulad ng aso na higit pa sa tao kung alagaan ng mga nagpapasyal sa bonifacio high street. di katulad ng kalabaw na ginagamit sa pagaararo. yung mga baka ginagatasan. pero ganun din naman ang baboy. at kambing. ang bangus at tilapia. pero di kasing hayup nung sa manok. may abortion eh.
isipin mo nalang yung trauma ng nanay na manok. mangigitlog palang alam nyang papatayin lahat ng magiging anak nya. iba yun sa mamamatay. taposhindi pa ganun kasarap ang sex ng mga manok. isang pahid lang yung ng maliit na pototoy tapos na. walang foreplay. pero di rin maganda isipin kung sakaling mag foreplay ang mga manok. ano yun, kainan ng balahibo? dilaan ng pakpak? hehe
kung manok ka, bakit ka pa kakain? bakit ka pa makikipagsex? bakit ka pa makikipag kaibigan? walang saysay ang buhay ng manok. pero kelangan nilang mabuhay. nabubuhay sila para lang mabuhay tayo. sinakripisyo nila ang lahat ng buhay nila para sa atin. kaya wag natin sayangin ang buhay natin! paabot naman ng tissue.. sniff.. sniff.. tenk you.
twenty minutes later nagmamantika na ang labi ko sa fried chicken. yung kaibigan ko 35 minutes later pa nakakain. pinapalitan nya ng thigh part ang inorder nya.

