nabuburat na ko kasi tuwing bibili ako ng saging lagi kong nakukuha yung kalahati bulok na. yellow naman ang balat, hindi mo mapapansin na bulok na pala sa loob. yung konti nalang fermented na pwede na gawing wine. pano ba bumili ng saging?
naalala ko sa surigao sobrang mura ng saging yung isang “ganun” (hand gesture na hawak ang isang bunch ng saging) mga bente pesos lang yata. dito yung “ganun” nasa 60 benta. tapos bwakalabits bulok pa kalahati. sa lugar ng tatay ko pwede pang nakawin nalang yung saging ng kapitbahay kasi sa dami ng saging nila hindi na nila napapansin na may hinog na.
miss ko narin makakain ng banana que na 50 cents lang isa. dun sa tindahan na kapitbahay nila tomas na si nang shony na sumasideline bilang masahista pag gabi. yung tama lang ang pagkahinog at nababalot ng nagdidikit dikit na arnibal. tapos sabayan pa ng coke with ice. solb na ang mainit na hapon pag summer.
pano ba malalaman kung bulok na ang saging? kala ko namaster ko na to e. o baka naman pana-panahon lang ang lahat sa pagbili ng saging. parang box of chocolates ni forrest gump. hahay.

