what’s in a name? a rose by any other name would smell as sweet.. sabi ni shakespeare. pero pasensya na, hindi ko kasi kayang magka gf ng malu. kasi naalala ko lagi si malu mangahas na editor ng malaya (tama ba?) at malu de guzman na nanay ni janno sa oberdabakod.
alam ko medyo unfair at parang ang kitid ng utak ko pero hindi rin fair sa kin kung magkunwari akong ok lang. hindi naman yun attack sa personality nila, in fact may mga kaibigan akong malou na ok na ok at turing ko sa kanila mabubuting kaibigan. pero kasi pag gf na o asawa ay medyo iba na yun. kasi makakasama mo sya habang buhay. katabi mo sa kama gabi-gabi. deretsuhin ko na, hindi ko kayang mag romansa… siguro kasi iniisip ko sobrang holy ng name na yan. sureball, lahat ng malou maria lourdes yan. pano mo iisipan ng alam mo na.. tao lang ako. medyo malibog pa.
medyo ibang generation na kasi ang dating sa kin nun. parang ka batch nya sila belen, linda, thelma at helen. hindi ko alam kung pano nangyari, parang lagi kong iniisip dapat ang magiging girlfriend ko yung mga jennifer, josephine, kristine.. yung mga ganun. siguro dala ng panahon nga. wala na kong kilala na resurreccion o corazon na kabatch. meron pang isang lola ng kaklase ko, transfiguracion naman. waw. ano nickname nun? transfi?
siguro yung mga bata ngayon pag tanda nila mandidiri din sila sa mga pangalan natin. tatayo balahibo nila pag pinangalang gretchen o claudine o marjorie.. kasi ngayon uso na yung mga maegan, francesca.. yung mga ganyang ka cool pakinggan.
hindi ko rin naman kaya tumira ng aiza, cherry or bubbles. taena dami kong arte.
hahay. so what’s in a name? oo tama, wala sa pangalan yun. pagkatao pa rin ang pinaka dabest na batayan sa paghahanap ng mamamahalin. pero sa ngayon, pagbigyan nyo muna ko sa pag iinarte. kung hindi, magkaka gf ka ng gloria.

