nung bagong kuha ko palang ng kotse ko ngayon pinilit kong magpakasenti kasi sabi ng mga matatanda hindi pwedeng maging sobra saya kasi ang karma daw nyan ay sobrang kalungkutan. e di drive drive ako, malamig ang hampas ng aircon sa mukha ko, lumilipad ako sa may katipunan flyover na overlooking ng marikina at nag-senti..
bakit kaya nauso yung ganung paniniwala ng matatanda? tapos meron namang mga bata na sumusunod din. may kilala ako na halos mautot na sa katatawa biglang titigil kasi daw masama ang sobrang saya. may pagka weirdo. kasi kaya nyang mag shift mula tawa to poker face in an instant. pero sigurado naman ako saloob-loob nun tumatawa parin. bakit kaya yung matatanda ayaw na ayaw sa mga bagay na sobrang saya?
baka naman ayaw lang nila sa anumang sobra. sabagay,may punto rin naman sa ganun. delikado ang sobrang inom, sobrang kalungkutan, sobrang damot. drink moderately ika nga. sa matatanda sapat na ang ngiti kaysa humagikhik sa tawa, sapat na tamis ng gatas para sa champorado, sapat na ang halik sa noo para ipaabot ang pagmamahal. mas pinag tutuunan nila ng pansin ang kung ano man ang mas mahalaga.
sa mga bata naman baliktad. mas importante sa kanila ang maliliit na bagay. lahat ng konti, mahalaga. t ambling na sila sa joke. pyesta na ang kahit anu mang inumin na binubutasan ng straw, langit na ang ice candy, at world tour na ang saranggola.
so kung iisipin pala, wala namang masama sa kalagayan natin ngayon. kulang pa tayo sa wisdom para hanapin ang ngiti sa dagat ng mga halakhak, at higit narin tayo sa kasiyahang dala ng panandaliang paglipad ng papel na eroplano. may mga bagay lang na nakakapagpasaya sa atin, na hindi naman importante sa iba.
e di drive drive ako, malamig ang hampas ng aircon sa mukha ko, lumilipad ako sa may katipunan flyover na overlooking ng marikina at nag-senti.. may kotse nga ko, pero, masaya ba ko? taena. konting pasenti, pinilit lumuha.. eh sa hindi ko talaga mapigil eh, masaya talaga ako eh, bwakalabits sumigaw ako labas atay! taenang kalokohan ng matatanda yan. eh sa masaya ako eh! mahigit isang buwan na kong nasa langit. hanggang ngayon ako lang ang nakangiti pag trapik.

