somebody requested that i post this again.. so here it is.
—–
maswerte akong tao, madami akong kaibigan. maswerte din sila kasi kaibigan nila ako. hehe.
isang araw maaga akong gumising at umabsent sa trabaho para maaga akong makarating sa fitness first sa abscbn. mag-aalas 10 na ng bumaba ako mula sa gym, suot ang pinaka malupit kong japorms at pinaka mabangong perfume. interview ko daw kasi sa resident psychologist ng deal or no deal, oo yung show sa abs cbn na may mga babaeng sexy na may hawak ng briefcases. boss, san yung interview sa deal or no deal, pa humble kong tanong sa guard at tinuro nya ko sa direksyon papuntang studios. limang minuto palang ako sa pila na kasing haba ng kuhanan ng passport sa dfa, umalis na ko. hindi ako pang deal or no deal. wala akong kasamang kamag-anak sa pila. may trabaho akong matino at hindi ko kelangang umasa sa game show para mabago buhay ko. hindi ko kelangang pumila at agawan ng pagkakataon ang iba. ako lang ang naka long sleeves dun, black leather shoes, mailman bag at aqua di gio. ako lang ang nakangiti. ako lang ang nagtrip. ako lang ang umalis.
isang araw muntik na kong gumising ng alas kwatro ng madaling araw, para pumila sa big brother audition sa alabang. sabi kasi ni jp, yung isa nyang kilala alas sais pumila, pang number 91 na. naisip ko, bawat interview aabutin ng at most 10 minutes, 6 persons per hour, kung pang 91 ka, alas otso ka na ng gabi makakausap. di bale na. may trabaho akong naghihintay sa isang malamig na opisina.
natutunan ko, na ang showbiz, parang presidente ng pilipinas, ay destiny ng iilang tao lamang. hindi lahat tayo pwedeng maging artista. lahat tayo gustong maging sikat, for different reasons, pero hindi lahat makukuha yun. ako, nakisawsaw ako sa mga yan kasi gusto ko yung trip na yun. gusto ko kasi lumabas sa tv, magsalita sa radyo, lumabas sa dyaryo.. lahat yan bago ako mag 30. trip lang. kelangan ko pang pumila sa deal or no deal para mauntog, na yung iba, sinusugod ang init at gutom para lang makapasok. parang yung pakiramdam ng una akong salta sa maynila, suot ko yung dabest kong tshirt ng una kong punta ng sm north edsa, tapos makikita mo yung iba naka shorts lang. pangarap mo, tinatapakan lang ng iba. parang ganun.
pero pagbigayn nyo na, one time lang. ang pic na yan, kunyari rockstar na.
maswerte akong tao, madami akong kaibigan. madami akong fans. kung kakanta ako ng sintunado sa isang bar, papalakpak pa ang mga yan. maswerte din sila dahil kaibigan ko sila, tuwing lalabas sila sa dyaryo kinokolekta ko. lahat tayo kanya-kanyang celebrity na ng iba. kaya hindi na kelangang pumila pa.
jobarclix. july 27, 2006. manila.
——–
this is a repost from here: http://jobarclix.blog-city.com/update_20060727_celebrity_dreams.htm


