aabutin ng mga 30 minutes ang usual na drive ko mula makati papuntang quezon city, daang edsa. hindi ako kaskasero, hindi rin ako takot sa gas. mahilig lang ako mag-isip habang nagmamaneho.
sa 30 minutes na yun kadalasan malayo ang nararating ko, tulad ng france at italy. yung mga naglalakad sa kalsada nagiging blonde at naka two piece high cut bikini, yung mga manang na nagbebenta ng mga abubot nagiging african queens, at yung mga driver ng mga taenang jeep nagiging kabayo. hanggang sa nung sunday may nadaanan akong kakaiba.
nakaluhod ang isang taong grasa at sinsamba nya ang isang building.
naisip ko kung pano ang naging buhay nung taong yun at dumating sya sa puntong humingi na sya ng himala sa isang building. taena. ano na ba nangyayari sa mundo?
at syempre nadaanan ko lang sya at ilang metro lang ang layo andun naman ang isang musikerong bulag na nagdadrums sa paa habang nagigitara.
naisip ko, hindi tayo pwedeng bumitaw kahit sobrang hirap na ng buhay. kelangan natin kumapit sa isang bagay na magtatayo ng pagkatao natin. tulad halimbawa ng musika.
konting drive pa andun na ang mga sosyal na may dalang mga shopping bag, at matatakpan sila ng mga nakatabi ko sa traffic light, na nakasakay sa mazda 3.
hahay.
napatingin ako sa malayo, lumipad ulit sa italy at france, at naka two piece na ulit ang mga babae sa kalsada. pero hindi ko na matakpan ng anumang palamuti ang taong sinasamba ang building.
napaisip ako, 30 minutes na makati papuntang qc palang yun. pano pa kaya ang mahabang biyahe ng buhay? kelangan ko na talaga mamaster ang pag reconcile ng dual existence ng dreams and realities.
isa-isahin natin: sa bawat anne curtis, may apat na cristy fermin.. sa bawat ako, may apat na aga muhlach.. aba fast learner!

