alas tres na ng madaling araw, unti-unti ng bumababa ang amats mo tapos sinisipa ka ng tyan mo para maghanap ng makakain. problema ko din yan. minsan nagtyaga akong patulan na yung lugawan sa likod ng narra dorm sa UP diliman, sa may balara pantawid amats lang matapos akong sumuka sa sunken garden. taena inulam ko ipis. payts parin. P6 lang eh!
pero ngayon medyo syalan na tayo at marunong na mag drive at syempre naghahanap ng tama lang sa budget (at less than P100 each) at swak sa sarap. maging pampalipas man ng gutom o pang small talk sa chiks, eto ang top choices ko sa places to go to after gimiks:
3. Rufo’s Famous Tapa. 24 hours open. meron sa libis, ortigas at makati. pinaka dabest sa kin yung sa makati. along kalayaan avenue. kung galing kang makati-mandaluyong bridge papuntang makati ave,kumanan ka sa kalayaan avenue, yung corner na may fersal inn. dabest ang ambiance dito para mag assess sa katatapos lang na gimik. pwede mag yosi kasi open air. tsaka syempre, sobrang sarap ng tapa dito. marami ring choices tulad ng longganisa, corned beef, daing na bangus at kung anu-ano pang silog. tsaka tamabayan tong mga artistahin. ikaw na humusga sa sarili mo kung nababagay ka ba dito. baka panira ka lang hehe. pero serously sulit dito. check their friendster account here. dun ko kinuha ang pic na yan.

2. Ababu. - xavierville avenue quezon city. katabi ng meatshop. kakalipat lang nila galing sa teacher’s vilage kaya sa mga nabigla na wala na to sa teacher’s vill wag muna magpakamatay kasi nasa meatshop lang sila. dabest ang shawarma rice dito. yung kanin nilagyan nila ng star margarine ba yun o butter. basta masarap. tsaka 10 lang yata ang iced tea. sobrang sulit. dito kami kumakain pag gusto namin makita si kaye abad (actually si chito miranda yun). dabest na anti-depressant ang shawarma rice na yun. masarap pang loadup matapos maglaro ng badminton o basketball.
1. Tapsi ni Vivian. near sta lucia east mall. marikina. ewan ko lang kung bukas parin to pero malamang bukas pa kasi sobrang sarap ng tapa dito maglalaway ka at mapapaluha at tiyak hahanapin mo si vivian. ang tsismis, kay vivian velez daw ang lugar na yan. aba ewan ko kung totoo, pero kung ano pa man yan, ang tunay na hatak ng lugar na to ay yung sarap ng tapa nila. pati yung kasamang sabaw. waw. matagal na kong di nakabalik dito kasi napadpad na ko sa makati pero kung may pagkakataon babalik ako dito. kung galing ka katipunan papunta antipolo-masinag, pagdating sa sta lucia kumaliwa ka. pero since bawal ang left turn, lagpas ka lang ng konti sa sta lucia then make a u-turn para mapunta dun. una kong punta dito kasama ko mga kabatch sa high school (ogie marl dex cabugs soto at yung mga regular tambay kina jefferson sa bday nya) tapos mula nun nainlab na ko. sya yung yung tipong gusto mong maging kabit. diba kasi mas masarap dapat ang kabit kaysa asawa hehe.
o ayan, sa mga nandito sa manila kung naghahanap kayo ng unforgettable after gimik session kitakits sa mga lugar na yan. o baka may marecommend pa kayo..

