nung mawala ang show na pipol ni ces drilon, ang next kong pinangarap ay ang lumabas sa weather hunk for the week ng libre. tapos kanina nakita ko to:

iba na pala ang ibig sabihin ng hunk ngayon. waw.
——–
para sa mga wala sa manila, o sa mga hindi sumasakay sa mrt, ang Libre ay isang free newspaper na binibigay sa mrt stations. totoo, walang bayad. lahat ng kelangan nyong malaman sa current events naka summarize na. ang cool pa ng articles, lalo na ang horoscope section nito. tapos milyon-milyon ang nakakabasa nito everyday kaya masaya kung ikaw napiling weather hunk/babe/friends etc.. tapos kakamot ka sa ulo magtatanong, pano kumikita ang newspaper na to kung libre? eh di sa ads. kung libre ka, ang taas ng readership mo kaya mas madaling makabenta. much like free tv. ang galing no? free is the way to go.

