waw. mid-june na pala di ko namalayan ang panahon.. ambilis. ang daming nangyari. dami ko kwento. simulan natin sa masarap..
1. diamond hotel dessert buffet. nung friday last week naimbitahan ako sa rockwell para tikman ang mga to:
yes sweetheart. pinakain ako. cake lahat yan. ang tawag jan, dessert buffet. ang saraaaaap panalo. lalo na yung mga chocolate creations at yung isa na may kiwi fruit at pineapple in a tart. nakapikit ako bawat kagat. punta kayong diamond hotel at irequest nyo ang dessert buffet nila. konting silip yan sa kung ano ang langit…
2. pagkatapos ng cake tasting, pumunta ako kina juned para maki-birthday. ampotek, naghanda sya ng beef na may gulay di ko alam kung ano tawag pero waw tumambling ako sa sarap. sinabayan pa ng pink kalamansi juice na gawa ng family nila (business nila). pakiramdam ko marami akong nagawang kabutihan nung nakaraang buhay. tapos habang kumakain pumasok si manolo quezon.
3. di ako pwede magtatalon sa tuwa dahil na starstruck kaya pinigil ko sarili at pinagmasdan sya. tao rin pala yun. kumakain ng spaghetti at umiinom sa baso na dating lalagyan ng kape. pero matagal ko nang gusto tanungin kung ano pakiramdam na pinangalan sa kanila ang syudad ng quezon, ang syudad na kinaroroonan namin. hindi ko kasi maiisip na magkakaroon ng climaco city.
4. nag birthday ang kaibigan kong si wariboy at dun ako nakatikim ng steamed fish na willing kong bayaran ng P2000. ang sarap. niluto ng misis nyang si ann, kasabay ng pesto na parang may nag rally na hipon sa dami. abangan nyo to. merong secret na restaurant sa may better living sa paranaque na magbubukas courtesy ng couple na to and i assure you, eto ang magiging next best thing in manila dining. hidden to at by request lang ang catering at para sa mga gusto ng romantic dinner na malayo sa ingay ng bwakalabits na makati or ortigas o timog, eto ang para inyo. abangan.
5. at sa wakas nagkaroon din ako ulit ng time para kumuha ulit ng photos. eto sampler:

ayos ba? hehe. more to come.post ko nalang sa multiply gallery ko. sa mga gusto magpaportrait jan, let me know. hehe. kelangan ko ng raket pang amortization ng nabili kong jaguar at audi. yemen!
6.at sa wakas, nakuha ko narin ang prize kong epson rs photo 690 sa batanes photoshoot.. salamat sa mga taga EPSON at geisermaclang sa pagdeliver.. sinampulan ko kaagad ang pagprint at panalo. ang gaganda ng prints.. tapos may scanner na function to at tinesting ko narin at eto, naimmortalize na ulit ang huling copy ko ng gradpic ko nung college.
wala akong make up at hair color jan ampotek ang kukulit nyo ah?! naubos yung kopya ko ng gradpic na yan sa dami ng pinagbigyan ko. actually maraming humingi. yey. pero takte may isa jang sinunog ang kopya nya kasi nainsecure ang boyfriend (na ex na ngayon) potek sana binalik nalang eh hindi rin naman pala kayo magkakatuluyan e di sana may isa pang dilag akong napaligaya sa larawan na yan. hehe. walang basagan ng trip.
waw yan ang roundup ko for last week at pramis sweetheart mag uupdate na ulit akong mas madalas simula bukas.

