eto ang laban na tatalo sa paquiao-diaz.
kakahanap ko ng video ni sharon na binuhusan ng tubig ni cherie gil, yan ang inabot ko. nora vs vilma. patibayan. dabest! kuha yan sa youtube (http://youtube.com/watch?v=z_UPtA2mQes). ang title nyan, T-Bird at Ako by Danny Zialcita. screenplay by Portia Ilagan.
ginawang big deal daw to noon ng vilma vs nora fans dahil sa billing. waw. nauna daw kasi si nora lumabas sa credits. wadapak. hehe. sarap patulan ng ganito.
warning. nakaka adik panoorin yan. tapos habang pinapanood ko, bumilib ako sa screenplay. kaya pala ang lakas ng hatak ng mga pelikulang nila kasi ang gagaling ng speaking lines. kwento at salita to ng mga ordinaryong tao kaya anlakas ng tama. tsaka dun mo makikita na magagaling silang storytellers at actors kasi kumbinsing ang pagka gawa. makakarelate ang masa hindi lang sa itsura nila kundi pati sa istorya.
naks seryoso.. hehe
pero di nga, naaliw ako sa screenplay nito, lalo na sa eksena na yan. ililista ko yung iba para matuwa tayong lahat. teka, beer at mani muna. ok. payt!
—————
nora:iwasan mo ang lalaki, malas ka sa lalaki. san ba galing ang anak mo? ang kaso mo? sa lalaki! (ugag to si ate guy ah)
vilma: lalaki ama mo, lalaki ang ama ko, ang nasa itaas lalaki rin! (go ate vi!)
nora: lalaki rin ang nasa ibaba. sa impyerno. si satanas! (ugag to ah!)
vilma: masama pala ang lalaki eh, ano gusto mo gawin ko, pumasok sa kumbento? mag madre? huli na. hindi na ko tatanggapin! mambabae? huh. tamaan pa ko ng kidlat! (ilabyu ate V!!!)
nora: isabel, bukas ang pinto. dun ka sa kanya, magsama kayo, mamatay na rin kayo!
vilma: yun lang?
nora: isabel! tandaan mo ito. pag nakulong ka paglabas mo walang naroroon kundi ikaw at ang anino mo. ngayon kung minamalas ka at umulan pati anino mo, wala! (yan ang screenplay!)
———–
eto pa! bonus:

