ok then kami nag party. yo to the break of dawn. pagkatapos nun umuwi ako ng bahay then natulog ako maghapon. and you know, ako’y ginising, and talagang na shock, coz nag ring ang aking fone, kaninang two o clock.
hehe. trip lang. hindi ko na kasi matandaan kung kelan ako huling hiningan ng landline phone number. nakakamiss din no? yung telebabad na gumugulong ka sa kama at nakataas ang paa at naka pulupot sa wire. nakakamiss makarinig ng dial tone. tsaka yung ring na kasing lakas ng bell sa school.
tsaka yung dial na bilog. medyo masakit sa daliri pag nag dial. tsaka yung handset kayang pumatay ng kambing sa isang hampas. matagal narin akong di nakakita ng handset na ganun. minsan nakakita ako ng handset sa tiendesitas, kasama ng mga antiques for sale. di ko na binili kasi baka may sumpa.
naalala ko lang yung telepono kasi kanina nakapanood ako sa wakas ng tv ulit at napunta ako sa peborit channel ko yung pinoy box office tapos tumawag yung bida sa phone. walalang.
tapos naalala ko si andrewe. sa mga kabatch ko dito, sigurado lahat tayo alam ang kantang yan. kaya one more time!
so i got my wireless telephone ang sabi ko.. hello. sumagot sya hey andrew can i ask you can you go? ang sabi ko ana, go where? ang sabi nya, come over here. andrew let’s eat some pizza and andrew let’s drink some beer!
siguro may tatlong anak na si ana ngayon.

