kanina papunta akong makati, usual route ko na ang buendia flyover mula fort bonifacio. sa kanto ng paseo de roxas at gil puyat, laging may taong grasa dun na moody. namimili sya ng lalapitan na kotse para manlimos. naisip ko, aba ayus to ah. conserving energy. sa araw-araw na dumadaan ako dun, napapansin ko syang naka upo lang sa island at nagmamasid sa mga kotse. siguro nag iisip sya. scientific na sya manlimos. nagsasampling ng mga itsura ng tao na malaki probability na magbigay ng limos. taena. kahit minsan di ako nilapitan.
dati natutuwa ako na di nya ko nilalapitan. pero lately, dala narin marahil ng stress sa buhay, nababadtrip na ko pag di nya ko pinapansin. ang sakit kasi isipin, pulubi na nga lang iniisnab ka pa. inisip ko rin, baka nga nasa itsura ko na magpapaulan ng mura kung sakaling lumapit sya. imbyerna pa sya kung ganun. taliwas sa conserved energy principle nya.
pero inisip ko rin, mukhang likas ngang scientific mag isip ang tao, maging taong opis man o taong grasa.
eto na naman ako, pinapasan ang daigidig. gusto ko kasing alamin kung pano sya naging taong grasa. joeyboy, kung kakargahin mo ang problema ng mundo, hindi ka na magkaka anak. ok ok. shadapakap.
sa opis may isang alley ng desks na ang tawag namin ay kalye pogi. puro kasi lalaki ang nandun. di rin naman ako nalugi kasi wala ako dun, eh hello nasa kalye mas pogi ako. ang mga taong yan minsan napi-flip. sa sobrang kakaisip naman, hindi na nila napapansin ang mundo. tapos dumarating narin sa puntong ang dudumi na ng baso, plato, desk, kuko at kung anu-ano pa.
reverse metamorphosis ng taong grasa. naisip ko, kapag ang tao nasobrahan sa pag iisip bumabaliktad na. hindi na efficient gumamit ng energy. nagiging madumi. at wala ng paki alam sa mundo, at nawawalan na ng silbi ang buhay. hmm teka, hindi naman sobra, medyo lang.
delikado ang sobrang kakaisip. nawawalan ng pagkakaiba ang taong grasa at taong opisina.
kuha ko yan sa batanes. galit na galit sumalpak ang alon sa matigas na semento. bakit daw nakaharang sa dalampasigan. tinatakpan ang lambing ng kiliti ng maliliit na butil ng buhangin.. ewan ko ba. kakatitig ko sa larawan na yan napagsalita ko yung hayup na dalampasigan at dagat.
tapos pag uwi ko kanina, dito sa may posh pembo, nakita ko na naman ang tambay na walang mga paa. putol na ang mga binti nya. di ko alam kung ano nangyari. sa larangan ng mga pantasya, sigurado, sya pinakapogi sa totoong kalye pogi. naisip ko, baka sya yung nag wish sa genie na sana umabot sa lupa ang ari.

