high na high ako last week sa anniv gig ng rocked sa saguijo. nag reunion ang rizal underground. 8pm palang andun na ko. tumugtog sila ng 1130pm. hindi naman ako masydong excited, napa aga lang. high school pa ko ng maging fans club ng kantang yan, kasabay ng 20 million ng rivermaya, at parting time ng rockstar 2. wag kayong tatawa, maging kayo din naging fans club ng rockstar 2 dahil sa parting time. i remember the days.. when youre here with me.. those laughter and tears we shared for years.. huhum.. hehe sample pa lang yan. tapos kinanta rin nila ulit ang sabado nights na nagpasikat kay ina raymundo at paolo abrera. ang lakas ng tama na makita sila ng live.medyo panot na sila pero rock parin. nakaka senti. nostalgic. biglang bumuhos yung ala-ala ng mga araw na peryo lang sa chem ang problema ko. hindi pagbayad ng dues ng loans. taena.
kinaumagahan ng rizal underground gig, tnxt ako ni leslie ng isang napaka depressing na balita tungkol kay mang carding. si mang carding, aka ricardo acebedo ay kababayan ko sa surigao na nakulong for forty years at pinalaya nung june 12 dahil sa pardon ni gma para sa matatandang bilanggo. makulit si mang carding at naglider-lideran na kaya daw nya umuwi ng brgy loyola hinatuan surigao del sur kasi kabisado pa daw nya ang daan pauwi. nabaliw si leslie sa tapang ni mang carding kaya kinontak ako para sa tamang daan pauwi. since 1992 pa ko bumibiyahe mula manila papuntang surigao at sa panahong iyon, mga 10 beses na nag iba ng sistema ang mga sakayan mula butuan city papunta sa amin. eh si mang carding 1960’s pa nakulong. ng mga panahong iyon, sa dagat at ilog pa ang daan pauwi, wala pa kasing kalsada. so tinext ang exact detailskay les. so ayun na nga bandang lunch time nag text ulit si les. sumakay daw sa mang carding sa princess of the stars, nasa manifest ang pangalan nya.
hinga ng malalim.
ang hangarin ng bawat bilanggo ay ang lumaya sa kinaroroonan. maging sa pag-ibig man, o sitwasyon, o kung ano pa man yan. ako, matagal ko ng pangarap makalaya sa kahirapan. at sa bilangguang ginawa ko sa sarili ko, ang pag limit sa kaya kong gawin dala ng takot at kulang sa tiwala sa sarili. ang pinag mamalaki ko lang siguro, malaya na ang aking isipan, bihira na kong manghusga ng kapwa. hanggang nung marinig kong lalaya na si mang carding.
kasi inisip ko, bakit ko tutulungan to eh nasentenyahan nga. pano kung kamag anak ko pala ang kinatay neto? pero naisip ko rin, 40 years din yun, twice na ng lifetime ng mga nasa sudan at rwanda. sino ba naman ako para hindi magpatawad. so pinatawad ko si mang carding sa kasalanang hindi nya naman sa akin ginawa.
gaano ba kahalaga maging malaya? bakit hindi inalintana ni mang carding ang bagyo? bakit sinugod pa nya to at sumakay sya sa unang barkong palabas ng maynila sa linggong yun? hindi na ba sya makapaghintay maka uwi? ang dami ko pang tanong..
ewan ko ang bigat. kelangan ko lang ikwento. sensya na.
———-
photo by gerhard bandiola.


