may mga araw talagang hindi swak ang mga bagay-bagay. yung simula palang paggising mo palpak na. mauuntog ka sa head board ng kama, maiipit ka sa pintuan ng cr, tatae ka tapos mawawalan ng tubig, habang nagsisipilyo. tukneneng. hindi maganda sa senses ang pinag halong anghang ng toothpaste at acrid smell ng jebs.
tapos makakatulog ka sa opis at magigising kasi napa utot ka ng medyo malakas, sasabayan pa ng power amoy dala ng inalmusal mong pork and beans. hindi maganda ang pakiramdam ng tititigan ka ng bente katao na nagpupumigil tumawa. taena yung isa nagkunyari pang makati ang ilong.
tapos taena pag tatae ka sa opis sinabayan mo yung ingay ng hand dryer para di mahalata na bumwelta ka ng kasalanan tapos biglang titigil ang hand dryer, hihiritan ka pa ng dude, hindi ka nakasabay. bwakalabits. dali-dali mong habulin ng pag flush.
hay naku. yan yung mga panahon na maghahanap ka ng pintuan para mag slide pababa at bubulong ng “bahket? bahkeeet akoh?” sa kisame..
pag sinimulan mo daw ang araw mo ng bad vibes, dadalhin mo na to buong araw. malas mo pa kung di ka nakatulog, dadalhin mo pa sa susunod. kaya siguro dapat simulan natin ang araw sa masasayang bagay. munting ngiti sa sarili. inom ng malamig na juice. o tamang init na kape.
simula bukas, ngingiti na ko pagka gising. sabayan nyo ko, para marami-rami tayong nakangiti bukas ng umaga. wala lang, trip ko lang maging masaya. kasi kanina nakasabog ako ng adaptor sa opis, sinaksak ko sa 220 ang 110 na device. hindi kami makaka run ng test. sshh wag kayo maingay, bukas pa malalaman ni boss.

