Minsan ika’y nag-iisa, walang makasama ‘Di malaman sa’n tutungo. Naghahanap, nag-iisip kung sa’n babaling Dito sa mundong mapaglaro. At tuwing ika’y nalulumbay, ‘di makakita Nais mo ay may makasama. Sa ‘yong lungkot, akala mo ika’y nag-iisa Narito ako’t kapiling ka. Kung nais mo, ika’y lumuha, Ako’y makikinig sa bawat salita. Kapag umuulan, bumubuhos ang langit sa ‘yong mga mata. Kapag mayroong unos ay aagos ang luha ngunit ‘di ka mag-iisa, kaibigan. Ako’y naririto naghihintay lamang sa `yo. tumawag ka’t ako ay tatakbo sa piling mo. Kaibigan. (tag-ulan, after image)
———-
narinig ko sa radyo kanina. nasenti ako bigla. ang lungkot kasi magmaneho mag isa ng ala una ng madaling araw sa buendia. gusto kong sagasaan yung mga pokpok na labas na kaluluwa sa kakabukaka sa kanto ng makati ave at paseo de roxas. naalala ko yung una kong narinig tong kantang to. high school ako nun kasabay ko mga dormers sa pisay at langit na sa amin ang kumain ng pancit canton na hinalo sa palanggana na pinaglabhan ni baloloy ng medyas.
ayaw ko man sukatin pero mas malupit ang samahan ng magkakaibigan na hindi bumitaw sa pinakamahirap na sitwasyon ng buhay. kaya para sa inyo mga mare at pare ko, isang case ng red horse tayo!

