pangarap ko din dating umupo sa high chair sa gitna ng set ng eat bulaga habang kumakanta ako. tapos susulpot bigla si kristine hermosa sa likod tapos kunyari magugulat ako. tapos susulpot nanay at tatay ko, mga kababata ko, mag pophone patch yung auntie ko sa ireland, tito ko sa saudi at pinsan ko sa dubai. tapos hindi ko na matatapos yung kanta kasi iiyak nalang ako at mag bo blow ng cake na hawak ni willie revillame.
inisip ko rin kanina na mag trabaho nalang at rumaket tapos mga bandang alas onse ng gabi sasandal na ko sa pintuan at mag slide pababa at titingin sa kisame hihingi ng kasagutan sa kahirapan.
pangarap ko din dati na magkakaroon ako ng surprise party yung tipong mawawala lahat ng kaibigan at pamilya ko tapos yun pala nag aabang lang sila sa bahay tapos may surprise party.. kaya lang syempre pano sila magkakasya dito sa bahay ko sa pembo eh yung roomate ko palang dati kalahating elepante laki nun
pangarap ko din na magkaroon ng birthday concert sa folk arts theater at lumalabas na ugat sa leeg ng mga fans ko kakasigaw.
pero ngayong 29 na ko, isa nalang pangarap ko: kapayapaan.
kapayapaan sa puso at isipan.
happy birthday joeyboy! mabuhay ka.

