malakas ang alon, palubog ang bangka, tatalon ka ba?
pag ganitong medyo mahirap ang takbo ng buhay, naalalako tong pic na to na kinunan ko sa cebu.
siguro nga nakakatulong na bilangin ang blessings natin bago bumigay sa tawag ng aspalto. hindi solusyon ang pag-iwas sa problema. hindi na uubra ang walk out. harap-harapan na.
kaya kapit lang mga kaibigan. hahay.
——–
teka, alam ko meron jan sa paligid naghihintay lang mag joke. eto korni pero taena pagbigyan nyo na ko. original ko to!
nak nak. hus there. korina. korina who? wag mo nang itanong sa akin.. di KORINA man sasabihin..
na-LSS kasi ako sa MYMP version nyan.

