tulungan nyo ko gagawa ako ng petition sa mga tv station na tigilan na ang taenang kidnapping at politico plots sa mga teleserye dahil taena SAWANG-SAWA na ako kakapanood ng mga kinikidnap at mga politiko at wala ng bago sa mga kwentong yan. ang bida kikidnapin ng kalaban na politiko at kapag hinawakan na sa balikat sisigaw ng bitiwan mo ko! taena taena tigilan nyo na parang awa nyo na ginagawa nyong tanga ang mga manonood sayang kasi masaya akong pinapnood si sweetheart claudine kasi ang kinis ng balikat tapos biglang politiko pala sya na kikidnapin ano pa pinagkaiba nya nung mga panahon ni anjanette at nanet medved nakinidnap at nirescue ni andrew e. pustahan, kikidnapin si anne curtis sa dyosa. pero nakahubad. pwede na.
ang bad trip dun, ginagaya pa ng magkabilang istasyon ang isa’t-isa. parang tayong pilit sinusubuan ng imburnal. wala tayong magawa kasi yun lang ang meron.
wala na bang maisip na ibang kwento ang mga writer nyan? costume lang pinapalitan yung kwento ganun pa rin. ambobobo. oo alam ko sinusubukan nyong ilapit sa tunay na buhay ang mga kwento ng teleserye nyo pero parang detached yata kayo sa katotohanan ng society ngayon. ang idea ninyo ng success ay ang pagiging politiko. pakshet.
tsaka pwede ba ibalik yung misadventures of ariel and maverick? wala na kasi sila kwenta sa gma ngayon. parang ginawa silang basura dun sa gma.
hahay.
dabest yung latest tv ad ng kfc. yung may mag opismate na mga lalaki tapos yung isa biglang bumigay ng makita yung kfc shrimp combo. naalala ko si roderick paulate nung panahon na sikat pa ang okidok ni aga. haha.
dabest yung camera cafe sa late nights ng gma yata. yan ang tunay na nangyayari sa working class na pilipino. kaya lang mas may halaga pa yata ang sampalan at kidnapping kasi tig 5 minutes lang airtime ng camera cafe. sayang.
merong show na moment of truth. babayaran nila ang guest sa bawat truthful na sagot. taena. yan ang isa pang tunay na reflection ng society ngayon. kelangan ng bayaran para magsabi ng katotohanan. diba dapat gawain na natin yun? naalala nyo si chavit? ayan, niregaluhan natin sa pagbulgar kay erap at pag amin na kasama nya sa pagsusugal nun. ginawa pa nating hero. at eto, may utang na loob na ang gobyerno sa kanya at gagawing NSC adviser wadapak! wadapak! taenang buhay to. challenge nga siguro sa mga politiko ang maisali sa moment of truth. dapat siguro moment of lies. kuha na nila ang pera, nagsinungaling pa. waw. ahhhh. taena. ratatatat.
sensya na epekto ng kakapanood ng local tv.

