all photos in this site are owned and copyrighted by joey climaco, unless stated otherwise.

philippine bloggers’ choice awards

kanina nagbabasa ako sa cnn, awards season na pala ngayon sa US at sa UK. at syempre sa pinas din. ano ba ang katumbas ng awards na yan sa atin? famas ba? o yung urian? parang ang dami kasi. tsaka parang wala akong tiwala sa mga award giving bodies sa atin. kasi diba yung minsan nanalo yung enteng kabisote ba yun kasi mas marami daw kinita sa box office? ano ba batayan dun? box office? o baka naman box office awards yun.

naisip ko lang, siguro panahon na para gumawa ng philippine bloggers’ choice awards. sa dami ng mga pinoy bloggers (friendster at multiply bloggers palang), siguro yun ang pinaka credible na award giving body. kasi makukuha mo talaga ang totoong pulso ng pinoy. yung award na sa tingin ng bawat pilipino ay swak sa panlasa nya. pwede narin nating gamiting social barometer ng awareness at appreciation sa kultura natin, sa takbo ng utak nating lahat.

simple lang naisip kong mechanics. gagawa tayo ng pinoy bloggers academy at magreregister lahat ng gustong bumoto. parang yung mga actors/directors guild ng america. tapos bawat blogger magpopost ng favorite nya sa bawat category at kung pwede, idefend or explain kung bakit yun ang choice nya. tapos trackback lang sa isang site para mabilang ang boto. sa ganyang paraan, maipopromote pa natin ang local artists natin kasi makakagawa tayo ng unprecendented amount of awareness.

pwede mo gawan ng maraming categories: movies, tv, music, literature, photography, theater, dance, artwork at marami pang iba.

ang isang pro neto, ang blogger kasi totoong tayo yan. hindi mo kayang bilhin. magsusulat yan ng kung ano gusto nya. syempre blog nya yan eh. maiiwasan natin ang annual filmfest scams kasi nagkabayaran remember lolit solis nung 1994? tsaka pano mo susuhulan ang mahigit isang million na bloggers? syempre may mga makikinabang jan hindi naman maiiwasan pero iilan lang ba yung mga ganun compared sa silent majority?

ang isang con, patay sa logistics to. syempre anjan na yung philippine blog awards, pwedeng sila narin pero pamatay sa logistics to. kelangan ng maraming maraming volunteers. alangan namang sila ulit eh may buhay din ang mga yan.

siguro mas madali kung i-expand nalang natin ang philippine blog awards, this time to honor the achievements in the arts naman. hindi lang sa blogging. ilapit natin ang blogging sa philippine culture. gamiting nating vehicle for cultural advancement.
wala lang. nilabas ko lang inisip ko kanina sa mrt. nag iiba na kasi ang society natin dala ng revolution in access to information. hindi na pwedeng balewalain ang importance ng bloggers. ang masaya dun, sa dami natin, pwede na tayo magkaroon ng collective voice na pwede nating gamitin sa pagbago ng lipunan. tulad halimabawa ng paggawa ng awards para malaman naman ng mga producers na ayaw na nating lahat sa korny na pelikula at tv shows, kasi akala yata nila fans club parin tayo nung laging may kinikidnap na bidang babae. o yung mga sitcoms na nakakakilabot mapanood sa kakornihan.

kaya wala tayong laban sa mundo kasi sinusubo sa tin ng mga producers na yan mga walang kwenta. ito na yung pagkakataon natin na purihin ang sa tingin natin ay maganda para maiba naman. kasi sigurado marami jan artists na hindi nabibigyan ng pagkakataon kasi ayaw tumanggap ng kakaiba ang mainstream philippine media. kasi akala nila wala tayong taste at “pwede na yan” lang ang nakukuha natin.

tsaka maraming bloggers na mas may kwenta pa mag review kaysa mga napupublish sa dyaryo. sa blogs lang ako nakakakita ng nakaka appreciate ng mga novels na gawang pinoy. dun ko nakilala si norman wilwayco na sobrang galing. sa pinoy music din. lalo na sa pelikula. ang daming indie films na magaganda na hindi binibigyang pansin ng mainstream media pero sa blgos nakikilala sila. napopromote din. at winawasak din kung pangit hehe.

walang patawad ang bloggers. kaya masaya. kasi wala silang pakialam pag nag blog. kasi totoong may buhay sila, totoong tao sila. kaya dapat sila naghuhusga ng kung anong dapat maging takbo ng pagbabago ng kulturang pilipino.

di ko na over emphasize ang gusto kong iparating. sigurado gets nyo na lahat yun. syempre hindi lang naman siguro ako ang naka isip neto kaya panahon na para gawan natin ng paraan. sayang naman kung nasa isip lang.

————–

ano nga ba dabest na mga pelikula nung 2008? caregiver yung pinaka ok sa kin. hindi dahil fans ako ni sharon. mas may meaning na kasi sakin ngayon na ofw na ko.

dabest sa music? betamax by sandwich

dabest na libro? syempre si master gad iwa norman gerilya.

dabest sa tv? betty la fea hehe tsaka yung sumulpot sila moymoy palaboy sa bubble gang

6 Responses to “philippine bloggers’ choice awards”

  1. sounds good. :)

    music:
    Album – Bipolar (Up Dharma Down)
    song – Taya (Up Dharma down)

    TV:
    i-witness

  2. benj, uy bilis ah. waah oo nga fans club din ako ng updharma! andun yata ako nung launch ng bipolar. hmm bakit parang wala ako maalala na kanta sa album na yun? ang alam ko yung OO pero 2006 yata yun eh

    tama diba, gawa tayo awards! dapat meron din pala best food, best bars, top athletes

  3. I think Bipolar is the best OPM album ever.

  4. makabili nga nyang bipolar

  5. hmmmmm.. interesting..

    baka mag blog na rin ako pag natuloy ‘to..

  6. kit, ayus diba? para magka-alaman narin kung ano ba pina ka dabest mula sa pinas

Leave a Reply