all photos in this site are owned and copyrighted by joey climaco, unless stated otherwise.

hindi ako iiyak by the flippers

hindi ko alam pano napunta sa player ko ang kantang to eh puro neyo rihanna cris brown smashing pumpkins francism at ereaserheads ang trip ko ngayon. kaya nag standout to. na LSS ako langya. para syang beer, acquired taste, habang tumatagal mas nagugustuhan ko. lumang kanta na to eh. malamang ka batch ng tvj.

niresearh ko lyrics kasi akala ko sabi nya “kung ako ay dumalaw at ako ay kantutin” yun pala katukin. waw. yung isang part naman akala ko “ugok na mahaba” yung pala buhok.

tapos habang binabasa ko lyrics, lalo na intriga ako. hindi ko maintindihan kung para saan at kung ano ang meaning ng kantang to. tulungan nyo naman akong mawala sa isip to. habang may tanong kasing hindi nasasagot, uulit-ulit ang kantang to sa utak ko.

so parang awa nyo na, ano ba problema ng taong yan? naghiwalay ba sila? may sanggol na iniwan eh. tsaka pinagsarhan na sya ng pintuan. tsaka ano kinalaman ng putik sya? takte.

sabay sabay, wag kang mag alala.. hindi ako iiyak! waaaaah

————–

click to play:

Kape’ng aking tinitimpla, Lagi ngayong lumalamig.
di ko malaman, Kung kulang sa tamis.
Tasang walang kibo, Sa ‘kiy nakatitig.
Ako’t siya’y naghihintay, Masagi nang iyong bibig.

Buhok na mahaba, Iniingat-ingatan mo.
Nuong isang linggo’y, Pinaputulan mo ito.
Marahil ay pagod lamang, Ang aking isipan.
At di ko napansin, At hindi tinutulan.

Huwag kang mag-alala, Di ako iiyak.
Hindi magdaramdam, Kahit na ga patak.
Pag-ibig na minsan, na ating dinanas
Sa tulad kong putik, Tama na at sapat.

Pintong dati-rati bukas, Sa aking pagdating,
Ngayo’y nakasara, At panangga sa hangin,
Kung ako ay dumalaw, Ito ay katukin,
Kahit mahina pa, Sana ay ‘yong sasagutin.

Kay linis ng silid, Walang nagkakalat,
Medyas at sigarilyo’y, Walang naghahanap,
Sanggol na nasanay, nasanay sa ama,
Ngayo’y natutulog ito, Kahit nag-iisa.

Huwag kang mag-alala, Di ako iiyak.
Di magdaramdam, Kahit na gapatak.
Pag-ibig na minsan, na ating dinanas
Sa tulad kong putik, Tama na at sapat.

————-

21 Responses to “hindi ako iiyak by the flippers”

  1. pre ganito yan. kanta to ng isang babae. dati sya prosti. merong lalaki na nagbahay sa kanya, di ko alam kung kasal sila. dati masaya sila, nung bandang simula ng pagsasama nila*. lagi nya pinagtitimpla ng kape yung lalaki, tapos gustung-gusto ng lalaki yung mahabang buhok nya.

    one day, nagbago bigla. hindi na iniinom nung lalaki yung kape, at hindi rin napansin ng lalaki na pinaputol nya yung buhok nya. kaya parang sinasabi nya sa lalaki na “wag ka mag-alala” hindi siya iiyak kung nagbago man, kasi masaya na para sa isang dating prosti ang minahal. madrama to pre. hehe. 9yrs old ata ako kinakanta ko na to. hehe.

    *hindi ko nga alam talaga kung nagsama sila, o ibinahay lang siya ng lalaki. pero parang wala naman iba yung lalaki.

  2. nga pala, hindi ata flippers ang orig nito sabi ng erpats ko. babae daw na solo artist ang original na kumanta. di ko pa narinig, pero sa tingin ko mas nakakaawa yun kasi maiimagine mo sya yung babaeng “putik”.

  3. hernan! tama ka dude! may nakita akong isa pang lyrics na hindi tugma sa versiong yan ng kanta, so may ibang version pa yung kanta. at nagka sense na lahat, tama nga, babae yung kumakanta nyan, tsaka galing sya sa putik yata. tapos sabi pa dun yung sanggol pala, “akala ay ama” tsaka yung binigyan ng pangalan.. at hindi sya iiyak kung aalis yung lalaki.

    kumbaga nasa proseso na sila ng hiwalayan, kasi nanlamig na lahat. pati kape.

    panalo yung tasa at sya naghihintay masagi ng bibig.

  4. hehe dati pag dumadaan ako sa mga beerhaus naiisip ko yang kanta na yan. marami ako nakausap na ganyan ang kwento, maliban sa isa.

  5. hernan, waw, interesado ako dun sa kwento nung isa.

  6. galing nyo naman. tagal na namin hinahanap ng utol ko yung title ng kantang ito. =)

  7. jake, uy dude tambay lang. marami rami pa tayong huhukayin dito

  8. oki doki!

  9. Can you start a discussion regarding GUILT SEX?

  10. jake, hmmm maghalukay ka ng lumang blogs ko marami nyan dun

  11. excuse me… pwede pong makahingi ng copy ng song? thank you.

  12. ryuusaki, maraming sources sa net actually hehe

  13. anu pba ibang kanta ng flippers?ang ganda kasi eh

  14. si susana pichay siguro ung tinutukoy ng erpat ni hernan n original n kumanta ng kantang to..

  15. this is one of my favorite songs…Si Grabriela ang solo artist nito. Actually, marami pang kangtang kasama sa album ni…Isa na don yong “Natatawa Ako”…Chorus niya is:

    Natatawa ako nang marinig ko ang balitang Meron ka ng iba
    Halos kahapon lang sinabi mo sa akin na tayo ay tapos na
    Oh kay bilis naman sino ba yong nakuha mo’t mukhang hindi ka kilala
    Ilan kayang mga babae ang paluluhain mo pa…

    Nakakaantig damdamin talaga…LSS parati yan…

  16. kung di ako nagkakamali around 1993 ko narinig kantang ito sa radyo. Una ko napanood sa isang MTV na puro pinoy songs. Tapos sakto naman kita ko name ng artist sa shirt ng isang magandang babae. Hanggang ngayon nga naiisip ko pa yung babae… hay sayang di ko at di ako nakilala.

  17. keep them coming guys.. madami rin palang na-intriga sa kantang to :)

  18. sabi ng nanay ko, ndi daw sa lalaki ung anak nung babae pro parang dinadalaw dw nung lalaki at parang inaaring anak nya ung anak ng babae..den parang one day, ndi na pmupunta ung guy dun sa hauz nung girL..tas un na!

    favorite tung knyahin ng nanay ko smen ng ate, pag pinapatulog kmi nun bata p kmi…kaya gang naun, favorite nrin nmin..hay! haha…

  19. korak! susanna pichay nga org nito…

  20. si sussana pichay pala orig ng kantang yan nung late 70’s na
    ni revive naman ni grabriela nung mid 80’s bago kinanta uli ng flippers noong early 90’s na

  21. pero sure ba na prosti ang babae sa kanta? baka tipong naanakan lang siya ng iba tapos yung lalaking tinutukoy sa kanta, e pinakasalan lang siya dahil mahal siya nito dati. pero nagbago na ang lahat. parang ako, pinulot nya ako sa putik… naging masaya kami pero ngayon parang nanlalamig n siya sa akin… mapost nga sa friendster

Leave a Reply