musika. camera. retribution singapore.
kahapon napasilip ako sa gig ng retribution movement singapore. isang grupo ng mga pinoy musicians dito sa sg. at may pinahiram sa aking camera. pakiramdam ko, 2006 ulit. at nandun ako sa gig ng sago sa saguijo.
musika. camera. pakikibaka para sa pagsulong ng kultura.
sumali ako ng rocked philippines nung 2005, mag aapat na taon na pala. dumaan lahat na parang isang mabilis na music video, babad sa mala-lomo na high contrast na visuals, at lunod sa mabilis at mabagal ng mga pinaghalong tunog ng pinoy music. nakakamiss. ang garden sa conspiracy. ang hindi pantay na sahig ng 70’s bistro. ang mga litrato sa dingding ng saguijo. ang maliit na stage sa magnet katips. kape isla. jescom. meatshop. ang dami. pati cebu. baguio. cagayan de oro. bataan.
kahapon, parang rocked ulit. mukhang magandang simula to. sana tuloy tuloy lang.
sabi nga ni gang, sa music nagkakaintindihan tayong lahat. siguro dun nga maganda magsimula para ayusin at buo-in ulit ang mga nagkawatak-watak nating mga sarili. lalo na ang konsepto natin ng “bayan”.




panalo un last na phrase joeyboy, i agree! sana nga…
bebang said this on July 17th, 2009 at 7:22 am
bebang, yemen.
jobarclix said this on July 28th, 2009 at 1:01 am