PGH bloopers

February 8th, 2010

repost lang. inemail sa kin to ni mae. tawa ako ng tawa.

————————–

YouTube Preview Image
Medical Terminologies
ACTUAL SENTENCES FOUND IN PATIENT’S MEDICAL CHARTS at PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL (PGH):
1. Patient has chest pain if she lies on her left side for over a year.
2. On the second day the knee was better, and on the third day it disappeared.
3. She has no rigors or shaking chills, but her husband states she was very hot in bed last night.
4. The patient is tearful and crying constantly. She also appears to be depressed.
5. The patient has been depressed since she began Seeing me in 1993.
6. Discharge status: Alive but without permission.
7. The patient refused autopsy.
8. The patient has no previous history of suicides.
9. She is numb from her toes down.
10. While in ER, she was examined, X-rated and sent home.
11. The skin was moist and dry.
12. Occasional, constant, infrequent headaches.
13. Patient was alert and unresponsive.
14. Rectal examination revealed a normal size thyroid.
15. She stated that she had been constipated for most of her life, until she got a divorce.
16. The lab test indicated abnormal lover function.
17. The patient was to have a bowel resection. However, he took a job as a stockbroker instead.
18. Skin: somewhat pale but present.
19. Patient has two teenage children, but no other abnormalities.

Sa PGH, may tinatawag na Central Block. Nandoon ang Radiology Department kung saan ginagawa ang mga X-rays, Ultrasound, CT Scan at Radiotherapy.  Dito ko naobserbahan ang evolution ng mga pinoy medical terms.  May mga pasyente o bantay na aking nasasalubong, ang madalas magtanong ng direksyon. Mga Versions ng CT Scan:
1. “Dok saan po ba ang Siete Scan?”
2. “Doc saan po ba magpapa-CT Skull”
3. “Doc saan po ba CT Scalp”
4. “Doc saan po ang CT Scam?”

Madalas akong mapagtanungan ng direction papunta sa Cobalt Room.
“Doc saan po ba ang Cobal” Yes, laging walang T. Marami ang gumagamit  sa term na Cobal. Saan napunta ang “T”. Marami din kasing nagtatanong, “Doc, saan po ba ang papuntang X-Tray?”
Conclusion: Ang “T” ng Cobalt, ay napunta sa X-Tray.

7:00 am. Nagbigay ang kasamahan kong doktor ng Instruction sa bantay ng pasyente, “Mister, punta po kayo sa Central Block at magpa-schedule kayo ng X-ray ng pasyente ninyo.” 3:00 pm. Kadarating lang ng bantay. Nagalit na ang Doktor, “Mister, bakit namang napakatagal ninyong bumalik? Pina-schedule ko lang naman ang X-ray ah.” Sumagot ang bantay, “Eh kasi po Doc, ang tagal kong naghintay sa gate, haggang sabihin ng guwardiya na sarado daw po ang Central Bank kasi Sabado ngayon.” (Nasa Roxas Blvd ang Bangko Sentral ng Pilipinas, at sarado nga naman yon kapag Sabado)!
Hahahaha!!!

Nang mag-rotate ako as intern sa Pediatrics ng PGH, mahal na mahal talaga ng mga nanay ang kanilang mga anak na may sakit. Pilit nilang tinatandaan ang mga gamot at tawag sa sakit ng kanilang anak.

Doktor: “Mrs. ano po ang mga gamot na iniinom ng anak niyo?”
Mrs 1   : “Doc phenobarbiedoll po.”
Doktor: “Ah baka po phenobarbital. ” (Gamot sa convulsion ang
phenobarbital)
Doktor: “Mrs. ano po ba ang antibiotic na iniinom ng anak ninyo?”
Mrs 2: “Doc metromanilazole po.”

Doktor: “Ah baka po metronidazole. ” (Gamot sa amoeba ang metronidazole)
Ang tawag sa recovery room ng PGH ay PACU (Post-Anesthesia Care Unit)
Doktor: “Mrs., tapos na po ang operasyong ng anak ninyo, punta na Po kayo sa PACU.
Mrs 3: “Eh Doc, saan po sa Paco? Sa may simbahan po ba o sa may palengke?

Doktor: “Mrs. ano po ba ang sinabi ng dating doktor kung ano daw ang sakit  ng inyong anak?”
Mrs 4: “Eh Doc sabi po niya Tragedy of Fallot.
Doktor: “Ah baka po Tetralogy of Fallot (Isang Congenital Heart Disease ang Tetralogy of Fallot)

Biglang nagtatarang ang isang nanay at sumigaw.
Mrs: “Scissors! Scissors! Nag-sciscissors ang anak ko, Doc!”
Doktor: “Nurse, diazepam please, nag-seizure ang pasyente!”

Doktor: “Mrs. ano daw po ba ang sakit ng anak ninyo?”
Mrs. 6  : May ketong daw po.
In-examine ng doktor ang balat ng pasyente. Wala siyang makitang senyales ng ketong. Tumawag pa siya ng isang Dermatologist para mag-examine nang husto. Wala talaga.
Doktor: “Mrs. sigurado po ba kayong ketong ang Sakit ng bata?”
Mrs      : “Eh iyon po ang sabi ng doktor niya dati. Mataas daw po ang ketong sa ihi dahil may diabetes.”
Doktor: “Ah ketone po yon! (Ang positive ketone sa Ihi ay senyales ng kumplikasyon ng diabetes.)

Doktor: (Sa buntis na mrs. na nagle-labor) “Mrs.pumutok na po ba ang panubigan mo?”
Mrs:”Eh Doc, wala naman po akong narinig na pagsabog.”  (Hanep!)
——————-

got this from a forwarded email. this is not an original by jobarclix.

veronika decides to die

February 2nd, 2010

veronika decides to die. a novel by paulo coelho. binasa ko. panalo.

kinuha ko sa library ni mae ang librong yan kasi naisip ko puro nalang facebook status na paulit-ulit ang mga nababasa ko lately. naghahanap lang ako ng ibang gagawin ng kinuha ko ang librong yan. hindi ko akalaing mabibigyan ako ng panibagong perspective sa buhay.

actually hindi naman talaga bago, napukaw lang ang natutulog kong diwa. matagal ko ng motto ang live like each is your last. pero nung panahon yun, it was more like “drink like each bottle is the last”. at kung anu-ano pa.

hindi ko na susubukang ipaliwanag kung bakit ang daming drama ng mga tao sa buhay nila. naka record yan sa facebook status ng mga tao. kadalasan galit, inis, laging napupuna ang may kulang, maraming “i deserve better than you/this” shet. dumating din ako sa puntong yan.

ang weird lang, alam naman nating lahat na naiipon ang bawat negative vibe natin at isang araw sasabog nalang yun bigla. tapos maglalakad ka ng parang manok na walang ulo sa edsa. o kaya mag fe-facebook status ka ng gusto mo ng mamatay. pero wala tayong ginagawa.

parang nag-eenjoy pa sa misery. naghahanap ng simpatya. taena. ang labo no? magpapakahirap ka para makahanap ng simpatya. eh mas madali namang tumawa. mas gusto kong lapitan yung taong laging tumatawa kaysa laging nakasimangot.

tutal mukhang huli na ko sa lahat ng nakabasa neto, at malamang ang mga tambay dito ay hindi na rin magkakainterest basahin yung libro, sasabihin ko na ang ending: hindi namatay si veronika.

napunta sya sa mental hospital. matapos nyang magtangkang magpakamatay. tapos niloko sya ng doctor at sinabihan sya na limang araw nalang syang mabubuhay. bigla syang napraning at unti-unting ginawa ang mga bagay na gusto nyang gawin, hanggang humihingi na sya ng isang araw pa para mabuhay. in the end, nakahanap sya ng reason to live.

minsan nag usap kami ni gang kung bakit 10 years lang ang span ng rocked philippines at magdidisband na pagkatapos (sa 2015 yun). sabi nya, mas gumagalaw daw kasi ang tao pag may deadline.

tama diba? kaya nga sa school fixed lagi ang school terms. para may iba ka namang gagawin pagkatapos ng isang taon. ganun din ang mga projects sa trabaho. at kung anu-ano pa. nanjan ang mga yan kasi dynamic dapat ang buhay ng tao. hindi nag-iistagnate. kaya kelangan may deadline para gumalaw.

cliche na, pero totoo, when veronika decided to die, she began to live. pero wag na tayo mag-alala, hindi na natin kelangan magpakamatay para maging katulad si veronika. tama na yung nalaman natin ang kwento nya.

kung may panahon kayo, basahin nyo to. more info, may ginawa ng movie version neto, si sarah michelle gellar ang bida.

ang kalahating printer

February 2nd, 2010

ilang buwan ng nakatambak sa ilalim ng desk ko ang HP printer na yun na iniwan ng pinsan ko bago sya umuwi ng pinas.

mula nung nanalo ako ng epson printer sa batanes, nawalan na ko ng interest sa mga printers. nagasgas ko sa gamit ang napanalunan kong yun, at naisip ko, medyo lumaki carbon footprints ko nun. kadalasan try and error lang, tinapon ko din karamihan ng naprint ko. mas masaya akong nag titingin sa monitor lang.

dumating ang kaibigan kong si tomas dito, mag-aaply ng trabaho. naisip ko, mas may silbi ang printer na yun sa kanya, at para din magamit at hindi tuluyang kalawangin at masira. binigay ko sa kanya para may pang print sya ng resume at scanned documents.

one week later tumawag sya sa akin, nagtatanong kung san pwede magpaprint, at may interview sya within 2 hours. hindi nya mahanap ang power cable nung printer.

wala naman sa amin yun, pinagtawanan lang namin. pero napaisip ako, dapat pag nagbigay tayo, sisiguraduhin nating kumpleto. walang kulang. kasi walang mararating ang kalahati lang. buti nalang printer nagagawan ng paraan.

things i learned this month

January 28th, 2010

mga nasagi lang sa utak.

1.huwag masyadong manood ng wowowee. mag-iiba ang concepto mo ng beauty (gumaganda si pokwang),  mag-iiba ang hugis ng inyong mga pangarap (pwede kang yumaman in an instant), at mag-iiba ang concepto mo ng deity (dyos si willie, anghel si rico j puno). pero ok lang kung si manny pookquiao lagi guest.

YouTube Preview Image

2.huwag umasa sa forum ng mga open source programmers. madaming mayayabang at condescending programmers sa forums. parang showbiz ang mundo ng developers, madaming egos to deal with.

case in point:

jobarclix:  how do i make this function work?

dev_from_hell_1: youre in the wrong thread.

dev_from_hell_2: you dont know? might as well consider a different career.

jobarclix: that’s a good idea. ill begin with hunting down dorks and ill chop their heads off.

3.huwag maging OA. kapag sinabing mabaho ang paa mo, hindi ibig sabihin na madumi na ang budhi mo, na balasubas ang pagpalaki sa yo ng magulang mo, o kaya lumaki kang walang kaibigan. mabaho lang ang paa mo. yun na yun.

4.reminder ko lang to sa sarili, matagal ko na tong alam.  kumain ng gulay o prutas bawat araw. halos magic na sa akin ang tumae ng halos isang tabo, tapos pagpunas mo ng pwet, walang bakas ng pakikibakaka na maiiwan sa tissue. simply amazing.

man in the mirror by aiza seguerra

January 22nd, 2010

nakita ko to while looking for noel cabangon songs. malayo-layo narin narating ni aiza seguerra. panalo. sana ipagpatuloypa nya.

YouTube Preview Image

saludo ako sa yo aiza.