grade six ako huling naging ganito kasaya na magkaroon ng bagong tsinelas.
kasi ngayon nalang ulit ako nagka tsinelas ng libre. oo. libre. binigay pa sakin na may kasamang himas sa hita. yey. joke lang.
naalala ko nung kabataan ko sa surigao, tuwing summer iniiwan kami ng magulang namin sa mas liblib pang lugar sa surigao. yung auntie ko dun, may ari ng tindahan. may tindang tsinelas na nikon. pero spartan lang ang nakukuha ko kasi matibay daw, kayang pumatay ng kambing sa isang hampas. ang pangarap ko nun, nikon. buti nalang nag first honor ako nung grade four, kaya nung summer na yun, nikon na ko. perobago ko pa maenjoy ang nikon, pumarada na ang mga anak ng taga saudi na suot-suot ang two inch thick na rambo. bwakalabits. nangarap ulit ako. syempre lahat ng pangarap ng bata nakakamit. gulong na ng kahoy na laruang truck ang mga rambo ng iba ng nagkaroon ako. waw. tapos nauso na ang sapatos na bandolino at swatch. high school na ng tumigil akong pangarapin ang tsinelas.
kaya nung monday, naiyak ako matapos akong mabigyan ng invite sa make your own havaianas event sa rockwell tent. waw, parang nakarinig ako ng palakpakan jan sa mga kakilala kong pangarap ang havaianas, at ang makatapak sa rockwell. waw. pakiramdam ko ako na ang pinaka successful na alumni ng surigao. gumradweyt na rin ako sa wakas sa nikon spartan at rambo slippers.
hindi masama ang mangarap. fuel to ng buhay natin. pero nakakainis lang, na pag nakamit mo na ang gusto mo, laging meron ka pang gustong iba. siguro kelangan lang natin mag practice na makuntento. kaya sa havaianas ko na to, pinili kong lagyan ng philippine flag. para pag tinignan ko sya, maiisip kong unahin kahit papano ang bayan. tsaka na sarili ko. malayo-layo narin naman ang narating ng mga paa ko. (naka oakley kasi ako ngayon hehe)
——————
maraming salamat kay addy na kumuha ng picture ko. more pics here. salamat rin sa geisermaclang pips lalo na kay charl. at sa havaianas para sa pagkakataong ito. mabuhay!

