eto ang hapunan namin matapos ang labing tatlong oras na biyahe papuntang pagudpud.
sarap nyan. sabayan pa ng suka na may halong maraming bawang. saraaaap.
small talk guide
eto ang hapunan namin matapos ang labing tatlong oras na biyahe papuntang pagudpud.
sarap nyan. sabayan pa ng suka na may halong maraming bawang. saraaaap.
sa maniwala kayo o hindi, myembro ako ng sunny side up booster club for brighter mornings and happier people. eto ang katibayan:
oo sweetheart, membership card ko yan. nung una parang tanga yung title, ang haba ng pangalan ng club. pero napag-isip-isip ko, oo nga no, teka lang. iilan na lang ba sa atin ang ganyan mag isip? lahat na kasi yata puro mali nalang ang nakikita. siguro panahon na para baguhin natin ang pananaw sa buhay. dapat i-celebrate natin to!
ngerks. ang totoo nyan, eto ang katapat ko:
dilaan ang kutsara, eto pa, pampagana.

hindi ko alam ang tawag sa ulam na yan, kasama yan sa nakahain sa reception ng kasal ng kaibigan ko sa batangas. di ko alam kung dala lang ng malinis na hangin o nasobrahan na ako ng sardinas at sky flakes kaya nag iba panlasa ko. pero ang sarap nyan taena. sabayan pa ng mainit-init na kanin at tamang lamig na four seasons, parang niyakap ako ni sweetheart sa kama sa isang maulan na umaga. ang sarap. ano ba tawag sa ulam na yan?
sarap ng buhay. kain lang ng kain!
eto ang isa sa mga highlights ng biyahe ko sa batangas nung weekend. sabi na nga ba, may nag aabang sa kin dun na walang kasing tamis. walang biro sweetheart, napaiyak ako ng sinabaw ko to sa kanin.
yan and sandoval chocolate ng mabini, batangas. madadaanan nyo ang stall nila papuntang anilao. wag kaligtaan. baka eto na ang hinihintay nyo.. mababago ang pananaw nyo sa buhay sa bawat higop.
continue reading "sandoval chocolate"
ayoko ng paksiw. ayoko ng kahit anong luto na paksiw. pinaka ayaw ko ng paksiw na isda. lalo na paksiw na ganlunggong. tuwing paksiw kasi ang ulam sa bahay alam ko konting tulak nalang lupa na kakainin naming mag-anak. oo, sa tingin ko simbolo ng kahirapan ang paksiw. parang baseline, bar ng poverty line, sa larangan ng mga ulam.
gusto ko ang embutido. nakakain kolang to tuwing pasko. at laging masaya ang ala-ala ko sa embotido dahil lagi itong may kasabay na coke. para sa akin ang embutido ay simbolo ng celebration at masasayang panahon.
ako gustong-gusto ko ng paksiw. simbolo kasi ito ng kalayaan para sa akin. yung malaya akong kumain na naka kamay at masaya ang kwentuhan sa mesa. masarap din dilaan ang mga dumudikit na butil ng kanin sa ibabang labi na may sahog ng maasim-asim na paksiw. pinaka paborito ko ang paksiw na galunggong dahil gustokong binabalatan ang mga ito bago kainin. masarap din ang diluted na asim matapos uminom ng malamig na tubig.
ayoko ng embutido. simbolo ito ng kaharapan namin. kasi nung mga panahong alam kong konting tulak nalang kakain na kami ng lupa, dun kami sa tiyahin kong gumagawa ng embutido makiki utang ng ulam. walang cost kasi pwede naman ilista. iba ang pakiramdam ko kung bakit tuwing pasko may embutido sa bahay ng mga kaibigan ko.
——————
pinag-usapan namin to nina gang over sizzling bangus sa dencios. ikaw ba, paksiw o embutido?
