matagal ko nang gustong ipagsigawan to pero pinigil ko muna. hanggang naglakad na ko sa red carpet sa premiere night kagabi. oo sweetheart. buo na buhay ko. natupad na ang matagal ko ng pinaka-aasam, ang lumabas na extra sa pelikula.
wag nga lang kayo kukurap sa first 25 minutes ng pelikula. meron dun eksena sa opisina nila john lloyd at bea na pinapagalitan si bea ni kuya bodjie. magpapan ang camera sa angulo ni john lloyd, wag kayong kukurap, sisilip ako dun sa likod ng office divider, kitang-kita ang buhok ko at glasses. hindi nyo mamimiss.
taena. buong araw ako nag shooting nun at 7am ang call time tapos kasing tagal lang ng hatsing ang airtime ko. waw. pero ganun talaga ang buhay artista. no small actors. just small roles. very small roles. naks.
hindi dahil sa kasali ako sa cast ng pelikulang to, pero naexceed ang expectations ko dito. laglag baba ko kay bea alonzo, hands up hands down. panalo. ok honesty policy nakipag sex yung role nya dito. hehe. bilib ako sa screenplay at execution. walang corny lines, walang melodrama, lahat parang totoo. ang pinaka na badtrip ako, taena, kwento ng buhay ko to. subtle lahat ng eksena, bumabawi lang sa lalim ng hugot mula sa sarili mong kwento. parang pinapanood mo sarili mo at kahit papano, nahahanapan mo ng justifications ang mga nagawa mo nung iniwan ka. kahit anong reconciliation pa ang binigay nila sa ending, wala na, wasak na puso ko. binalik ang mga alaala na pilit ko ng tinago at binaon sa limot. taena. kelangan ko lang kasi panoorin kasi nominado akong best extra in a supporting role sa famas dahil sa 2 second performance ko dito. yung kaibigan kong si addy best extra in a lead role. mga 1 minute sya nakita eh. walang biro. may tumawag na sa kin.
one more chance. panoorin nyo to. iba hatak sa puso mo. tip lang, wag isama ang gf o bf na panakip butas lang. isama ang kaibigan na nandun nung nagsusuka ka sa baybayin ng puerto galera. o boracay. o metrowalk. o meatshop sa xavierville.
congrats sa star cinema. maraming salamat nga pala kay mico del rosario at cathy batallones, sa pagkakataong makalakad sa red carpet. maraming salamat din kay jp abellera sa pagkakataong makasama sa pelikula. mabuhay kayo!

part 2 ng matrix trilogy ang matrix revolutions at nakaka adik to dahil sa dialogue ni neo at ng source/architect. natatandaan nyo pa yun? yung mamang maputi ang buhok at mabilis magsalita na mababa ang boses? habang pinapanood ko sa sine yun naghahanap ako ng remote control pang rewind. he reminds me of my favorite teacher na biglang nagjoke at hindi ko napakinggan at bad trip ako kasi ako lang ang hindi nakakuha ng kwento. kaya kanina napadaan ako sa video city para i-rent ang revolutions at para makuha ko narin ang pinaka-aasam kong video city na payong. naka 5 beses na kong tig-aapat ang nirerenta, may prize na kong payong. hehe. sabi kasi ng pagasa mag handa na ng payong at jacket dahil la nina na. anyway, ill do you guys a favor, eto yung screenplay between the architect and neo: 


