dati ang theory ko na sa end of the world, ang matitirang mga tao ay mga babaeng malalaki ang boobs at mga lalaking mayaman. simula kanina, nag-iba na.
napag-usapan namin sa ofis kanina ang isang bata na may kakaibang sakit. hindi daw ito humihinga. i mean hindi daw involuntary ang paghinga. weird no? parang kelangan concious sya lagi para huminga. eh baby lang yun, ano ba malay nya sa functions ng body organs nya. ang kwento, nag indefinite leave ang nanay kasi kelangan nyang bantayan ang baby para wag kalimutan huminga.
naisip ko, kawawa naman ang batang yun. siguro kelangan operahan sa utak para gumana ng maayos ang neuro part na nagpapandar sa involuntary/subconcious breathing. lagi lang tayo nag jojoke na wag kalimutan huminga pero pag nakarinig ka ng ganitong balita parang ambigat dalhin.
sabi ng isa kong opismate bakit daw yung mga squatter at bata sa kalye ang titibay ng katawan. parang ipis. kahit siguro sabugan ng nuclear bomb mabubuhay ang mga yun. naisip ko eh matitibay kasi ang genetic make up ng mga batang kalye at squatter. malamang naka ilang subok din ang mga magulang ng batang kalye bago nakabuo ng baby, at ang genes ng baby na yan sobrang tibay kasi lalabanan nya lahat ng dumi na dalang poor hygiene at malnutrition ng magulang. kung tutuusin, pinaka fittest na genes ang lumabas sa batang kalye. nilabanan lahat ng kahayupan sa mundo.
pero di narin tayo nalalayo sa pagkakaroon ng super na genetic make up. kasi yung mga lolo at lola natin matitibay din kasi hindi sila namatay sa gyera. magaling silang umilag sa bala at lumaban sa mga hapon. sa tingin ko kasi matinding genetic cleanup ang nangyari nung world wars. andaming magagandang genes din ang nawala nun. baka sakaling may nag trigger pa ng mutation sa mga namatay noon.
high na high ako sa idea kong to habang kinukwento sa mga kaibigan ko. biglang may humirit na isa. oo, tama yan. buhay din yung mga makapili. paker. oo nga.
so kung tatanungin mo ulit ako ngayon sa take on the survival of the fittest, olats na ang malalaking boobs at mayayaman. malamang ang matitira ang mga sipsip. hahay.

