minsan napadpad akong saguijo bar sa makati. nagkataon kakatapos lang ng holy week nun yung mga tao wala sa mood magparty. natyempuhan kong andun ang sugarfree. sampu lang kaming audience. kumanta sila ng U2 covers at mga kanta nila dati tulad ng mariposa. tayo balahibo ko.
nung human rights day napadaan akong kape isla sa serendra para makipag meet sa rocked pips. natyempuhan kong andun si noel cabangon, nakitambay bago gig nya somewhere else. kumanta sya ng joni micthell covers at ibang signature songs nya tulad ng kanlungan at uunahin kita. naka nganga ako the whole time.
madalas akong maka tsamba ng mini concerts. swerteng nakaka tyempo lagi. tamang kakilala. tamang lugar. tamang panahon. at sa mga panahong iyon naiimortalize yung mga kanta sa akin.
ganun naman yata sa lahat ng aspeto ng buhay. tyempuhan lang ang pagkakaroon ng saysay. madalas, nagkakaroon lang halaga ang isang bagay kapag nandun ka na at nararanasan mo na.
kaya kumilos ka na bago ka pa malipasan ng panahon. kilalanin ang dapat makilala. puntahan ang hindi pa nararating. mangyayari lang ang lahat kung andun ka na.

.jpg)
