nakita ang liham na ito sa bulsa ng isang pantalon sa laundry shop.. minabuti ng may ari ng laundry shop na ibigay sa akin to para tulungang makarating sa nagmamay-ari. pero teka lang. tulungan nyo muna kong intindihin kung ano ba talaga ang kwento dito.


gus abelgas: malalim at makahulugan ang mga binitawang salita ni inday laban kay ramil. ayon sa mga engr sa opis, matagal ng magkasintahan sina inday at ramil, ngunit nang malaman ni ramil na may kakayanahan ng bumili ng jeep ang anak ni inday, hindi na ito nag alinlangan, at agad binenta ang jeep nang hindi nalalaman ni inday. nagalit si inday dahil katumbas ng jeep umano ang pag ebeg nya kay ramil. binenta mo ang jeep, binenta mo narin ang pag ebeg.
boy abunda: ang tanong.. bakit napunta itong liham na ito sa laundry shop? wala rin umanong nagtatrabaho doon na inday ang pangalan, at lalong wala sa kanilang may syotang nagngangalang ramil, maliban na lamang kay shony na nagkaroon ng ex na ramil, pero matagal na itong pumanaw dahil sa aksidente sa habal-habal..
jobarclix: hindi na nila ma trace kung kaninong labada galing yung sulat, nakita nalang to nung nag iipon sila ng mga unclaimed items para ibenta sa garage sale. ang galing no? sa unang tingin parang simpleng sulat lang. yung hindi mo pagkaka interesan. pero kapag binasa mo ulit, makikita mong may kwento na naghihintay makwento. pero anlabo ni inday. katombas ng isang jeep ang pag ebeg nya kay ramil. abay dapat lang syang iwanan. pero teka pa. may asawa si ramil diba? kabit si inday? hmm…

