the french president is a bachelor and has a supermodel for a girlfriend. waw. mga pranses talaga, leading in style. pano kaya nakahanap ng panahon para mag labing-labing yun? may psg privilege din kaya yung supermodel? may provisions kaya ang mga gobyerno to provide security for presidents’ girlfriends? ano tawag sa kanya, first girlfriend? naisip ko lang. nangarap kasi akong maging presidente, tsaka lang ako magpapakasal kung presidente na ko. aray ano ba sweetheart wag sa tagiliran ! oo na hindi na aabot sa presidency ang paghihintay..
babala sa mga may sweetheart na mahahaba ang buhok. lagi ng may isang strand ng buhok sa kubeta mo. living experiment to ng cohesive forces of nature. hindi sya kayang higupin ng flush kasi dumikit na ang kalahati sa outer rim, sealed ng natuyong bula ng sabon at shampoo. hindi rin sya kayang ibagsak ng gravity kasi nahati sa gitna ng toilet seat. hindi rin sya kayang itulak lang gamit ang tsinelas. kapag binuhusan ko ng tubig, walang nangyayari. sa halip ay naeenforce pa ang bonds ng buhok sa ceramic, dala ng covalent bonds. sinubukan ko narin ihian, nagbabakasakali na kayang tunawin ng uric acid ang kung anumang matinding namamagitan. ewan. pinulot ko nalang.
pakiusap sa mga kasamahan ko sa trabaho. wag na po sana kayong maglatag ng mga nalagas na bulbol sa taas ng urinal. hindi po magandang tignan. ano ba naman mga tsong. ano ba balak nyo dun? ipunin tapos pahulaan kung kanino galing? ipakulam ko kaya kayo. wag ka mag aalala switheart. gagamit ako ng tisyu. syempre.
nakasakay ako ng jeep ulit. nakakamiss din pala. di ko na rin alam kung magkano pamasahe. di ko parin pala gusto mag abot ng pamasahe ng iba. yung magagalit pa kung di mo iaabot kahit dalawa lang kayo pasahero. tapos magkaharap pa kayo. muntik ko ng sipain si lola. kaya lang malaki nunal nya sa ilalim ng ilong. di bale na, bayad ko nalang yun sa pagpapatawa nya.
bumilib ako sa kasipagan ni switheart mag aral. nakahiga lang sa beanbag tapos hindi ako pinapansin. naubos na yung bula ng coke na binigay ko sa kanya, di pa rin iniinom. naalala ko tuloy nung kabataan ko. kapag nag aaral ako di rin ako namamansin. busy-busyhan. tapos mahilig ako magkamot ng bayag. hehe. oo. totoo. pag humihirap na ang subject, lalong tumitindi ang kamot. walang nakakalapit sa kin nun. ewan ko ba, siguro nakikita nilang seryoso talaga ako nun. hindi ako magiging magna cumlaude sa ece ng up diliman kung di dahil dun. hehe. pero ngayon naisip ko. patay. baka kung ano na bansag sa kin ng mga roomate ko nun. kaya siguro di nila ako pinapansin pa nakikita ko sila sa mall. ayaw nila makipag kamay. hehe. sori mga dudes. di ko na ginagawa yun ngayon. hehe. pero teka, di ba you learn everyday daw? hehe pramis hindi na talaga.
bumili narin akong stove sa wakas, at kalan at sauce pot. gagawa ako ng carbonara. at magpiprito ako ng hotdog ulit. gusto kong magluto na nakahubad habang nanood si switheart. at hahalikan nya ako sa shoulder blades ko. ngerks. pakiramdam ko, ako na ang pinaka mayaman dito. i put the posh in posh pembo.
——————–
adventure na ulit!



