last december i had a wild adventure all by myself. i went to tacloban from davao via agusan, surigao then leyte. on the way back i went to ormoc then cebu then i took a plane to davao. i did all that in 3 days. this is for all those who wonder how to get to tacloban if you’re in davao. this is my guide to travelling the eastern philippines.
from davao i found out there are direct land trips to tacloban. hehe. akala nyo gaano na kahirap no? daily ang biyaheng davao - tacloban. merong 2 bus companies plying this route: bachelor express and philtranco. both cost around 900 per person per trip on an aircon bus, exclusive of the ferry ride in surigao. in davao, take a cab from anywhere and go to the ecoland bus terminal and look for the tacloban sign. syempre. hindi ka naman papuntang gensan o cagayan de oro. i took the 9pm trip ng bachelor express kasi balak ko matulog nalang sa biyahe. meron ding 8am trip ang philtranco.
first stop is surigao city, particularly the Lipata RORO port in where else, e di sa lipata, surigao city. yey. dito sasakay ang bus ng ferry papunatng liloan leyte. it took us 10 hours to get to lipata from davao city. medyo matagal yun compared sa estimate ko na 8 hours. pano kasi, leisure drive ang ginawa ng driver. kumakain kami every 3 hours. ang daming hinto. ihi. yosi. kape. pati car wash ng bus. waw. pero di na ko nagreklamo. dun lang ako nakasakay ng bus na nagpa carwash pa. 7am nasa lipata port na kami. kakaalis lang daw ng roro ferry. 11am ang next trip so no choice, antay lang sa port. which is ok by the way. kasing linis sya ng port sa batangas.
11am dumating ang ferry at umalis kami ng 12nn. nasa 200 pesos ang pamasahe per person sa roro, at 4 hours ang byahe ng crossing from lipata, surigao del norte to liloan, southern leyte. masaya kong sinalubong ang malinis na hangin na humalik sa aking mga pisngi, gayun din ang mga manok at kambing na katabi ko sa upuan. waw. inisip ko nun para kong nasa noah’s ark. di ko na pinake alaman ang mga may ari ng flavor ng noodles, ang motto ko nun, walang basagan ng trip.
4pm nasa liloan na kami at tatlong oras pa nasa tacloban na ko. maganda at maraming puno ang rural side ng southern leyte. probinsya talaga. may mga manok na dumadaan sa kalsada. may mga baboy din at baka. pero di mo iisiping nasa ibang bansa ka. ang daming waiting shed. alright.
pagdating sa tacloban, yung walanghiyang bus hanggang palo lang pala, next town ng tacloban. sumakay ako ng tricycle papuntang tacloban, dun sa hotel kung san ko imemeet yung mga kaibigan ko. dalawang beses na kong naholdap sa manila, pero sa tricycle na yun ako pinak nasaktan. sinigilako ng 200 pesos. sabi ko boss galing ako davao at ang buong pamasahe ko 1100 lang. tapos sisingilin mokong 200? pakshet. makakabalik na ko ng liloan nyan ah. pero syempre pasko yun kelangan cool at hello, 200 lang yun. naks. sige na nga.
kasal ni jason at donna yung pinuntahan ko, ang ganda ng wedding nila.. nakakaiyak. hehe. naglibot ako konti sa tacloban at maganda at maayos ang city at trendy na rin. yung alam mong maraming mayaman. baluarte ng mga romualdez ang tacloban, hindi ka na magtataka kung bakit maganda. meron silang kakaibang sense of beauty.
pauwi, naisip kong dumaan nalang ng ormoc kaysa sumakay ulit sa 24 hour bus ride. para masaya. pero ang totoo, naiwanan ako ng bus kasi akala ko 6am alis, 6pm pala at ang next trip ay 1am. so i took a van to ormoc, mga 130 ang binayad ko for the 1 hour driveapuntang ormoc pier. the idea was, i had to catch the supercat to cebu or else take the 4 hour ride via a ferry. 1 hour lang ang supercat from ormoc to cebu. syempre, naiwanan na naman ako ng supercat kasi na flat yung van na sinasakyan ko. nakakahiya kina jobert na naghintay pa sa kin sa pier sa cebu. bawi ako sa inyo tsong. so sumakay ako ng ferry from ormoc at about 11am, robles lines, ang pamasahe: P300. dito, nakahiga na ko sa aircon area, wala ng manok at kambing. nakakapanibago.
pagdating sa cebu ng mga 3pm dumeretso ako sa ticket area sa sm cebu to get a ticket to the ferry going to cagayan de oro that afternoon. kaya lang fully booked na ang 430 pm na trip next day pa ang available pero naburat na ko kasi 8 hours ang cebu - cagayan de oro. derectso na ko sa cebu pacific office, booked myself a 430am flight to davao at a cost of P3000 pesos. waw. pero december 30 na nun. kelangan ko sulitin ang bakasyon ko sa davao. to kill time, nag pa spa ako sa cebu at tumambay sa starbucks hangang 2am.
umiikot na ulo ko pagdating sa davao. natulog ako maghapon.
pagising ko naghanap ako ng mapa. para akong nag presidential campaign. ang dami kong realizations sa buhay. sa pgiging binata, sa pagiging bisaya, sa pagiging pilipino. masaya. pero syempre mas masaya kung may kasama.
sweetheart, next time sama ka.